lahat tayo gusto may kausap. para hindi natin maramdaman na nag-iisa lang tayo sa mundo. nakaramdam na ba kayo nung, gustong gusto mong kausapin ung isang tao? pero wala, nasa ibang bagay ang atensyon niya. naramdaman mo na ba yung pinpilit mo ang sarili mo na makausap man lang siya kahit sandali. yung maririnig mo yung tawa niya, yung magrereply siya sa mga kinekwento mo, yung mag bibigay siya ng mga opinyon, yung dadamayan ka pag malungkot ka, yung magpapatawa ng kung ano ano, yung i-mmotivate ka pa sa mga ginagawa mo, yung inaalagaan ka, yung ipaparamdam sayo na nanjan lang siya kahit wala naman..
lahat tayo gusto may kausap, pero anong magagawa natin kung iba ang nasa isip nila diba? oo masakit nga, pero ganun talaga buhay eh. pag ikaw naman ang gustong makausap paminsan ikaw naman 'tong wala sa mood. bakit ganun hindi nagtutugma parati? bakit ganun.
minsan nga maiinis ka na dahil hindi parin napapansin nung tao na gustong gusto mo talaga siyang makausap. pagkatapos, manghihinayang ka nalang at susuko na dahil wala naman talagang nagagawa lahat ng pagpapapansin mo sa kanya. parang tanga diba.
sige, kakanta nalang ako. at mamaya maghuhukay ng mga baby damulag na mga litrato.